Tuesday, September 29, 2009

NATIVE

Ang pag-aalaga ng katutubong manok o native chicken ay karaniwang ginagawa ng ating mga mamamayan lalong-lalo na ng mga magsasaka. Ang katutubong manok na inaalagaan sa bakuran ay kadalasang iilan lamang o kaya'y maaaring umaabot sa dalawang dosenang inahin para sa produksyon ng itlog o maaari ring mag-alaga ng ilan para sa karne, para pamalit (o barter), o pang-benta na makakatulong sa mga gugulin sa bahay.

Dahil sa kahalagahanng ginagampanan ng pag-aalaga ng manok sa ating ekonomiya at sa kalusugan, ito ay pinabubuti at binibigyang pansin ngayon ng ating pamahalaan

ANG KATUTUBONG MANOK

Ang ating katutubong manok ay hindi maituturing na isang "breed" o lahi dahil ito ay walang tiyak na kulay o pagkakaayos ng balahibo at hugis ng katawan. Ang ating native chicken ay maaaring magkakaiba-iba an gang anyo sang-ayon sa lugar na pinagmulan nito. Halimbawa, ang mga native na nakikita sa Cebu ay mapapansing may malapad na dibdib, malaman, malapad ang balikat, at kapansin-pansing lakas ng pakpak. Ang balahibo nito ay masinsin kaya't ang timbang nito ay higit na mabigat kaysa kung ang laki lamang ang pagbabatayan. Ang native ng Cebu ay karaniwang kulay itim. Ang mga ito ay malalakas at hindi madaling dapuan ng sakit at karaniwang mailap.

Ang Mga Uri ng Katutubong Manok Ayon sa Kulay at Anyo ng Balahibo

1.Dalusapi at Mayahin - Ang kulay ng manok na ito ay mamula-mulang kape na maihintulad sa labuyo. Ang binti ng dalusapi ay dilaw o puti samantalang ang sa mayahin ay itim o abuhin.

2.Talisayin - Ang balahibo ng manok na ito ay mangasul-ngasul na berde na may halong kulay pilak. Ang binti nito ay dilaw, puti, itim o abuhin.

3.Bulik - Ito ay may balahibong salitan ang kulay: itim, abo at puti, at kung minsan ay may salit ding mamula-mulang kape. Ang binti nito ay dilaw, abuhin o puti.

4.Puti - Ang katawan ng manok na ito ay purong puti. Ang binti ay maaaring dilaw, puti o abuhin.

5.Abuhin - Ang manok na ito ay kulay abo kaya nataguriang abuhin.

6.Lasak - Ito ay uri na may batik-batik na puti sa katawang kulay kape a abuhin.

7.Itim - ito ay purong itim at ang binti ay itim o dilaw.

Ang mga katutubong manok sa Pilipinasay maaaring mapalaki sa payak o simpleng pamamaraan. Ang mga ito ay hinahayaang alpas sa lupa at sa mga puno humahapon kung gabi. Hindi nila kailangan ang masusing pansin dahil ang mga ito ay mahuhusay mangalap ng pagkain sa bakuran. Ang ibang magsasaka naman ay nagbibigay ng mga pagkaing karaniwan sa lugar tulad ng darak, tahup, paly at mais, at paminsan-minsan, ng ginadgad o tinadtad na niyog.

Kung ahahambing natin an gating native chicken sa ibang inangkat na lahi ng manok tulad ng "White Leghorn", "White Cornish", at "New Hampshire", ang native chicken ay masasabing mababang uri sa tema ng produksyon ng itlog at gayon na rin sa laman.

PAMAMARAAN UPANG MAPAGBUTI ANG PERFOMANCE NG KATUTUBONG MANOK

Pagpili ng Magagandang Inahinin

Mga gabay:
1. Maraming mangitlog;

2. Maagap mangitlog (5 buwan);

3. May mga katangiang:

a. malaki, mapula at madulas ang palong;

b. mamuti-muti o maputla ang paligid ng mata at tuka;

c. malambot at makinis ang lambi;

d. malaki, tabas-itlog, mamasa-masa at mamuti-muti ang puwit;

e. malambot at malayo ang agwat ng sipit-sipitan.

f. Malusaog, maliksi at magandang pangangatawan;

g. Malapad ang likod, malalim at mahabang katawan, katamtamang haba ng leeg at binti;

h. Malaking butsi, tuwid at mahabang tuka;

i. Malamanh dibdib;

j. Tuwid na buto sa dibdib;

k. Malambot na tiyan; at

l. Malabulak na balahiba nito.

4. Unang lumalabas ng bahay-manok at huling humahapon;

5. Pudpod ang mga kuko na nagpapakitang ito ay aktibo at malihsi;

6. Matagal ding magpalit ng balahibo; at

7. Sa mga manok na dilaw ang tuka at paa, mapapansin na ang mga ito ay halos kupas o puti na.

Pagpili ng Magandang Tandang

Mga gabay;
1. Malausog, maliksi;

2. Anak ng inahin at tandang na malusog at may mataas na produksyon;

3. May mataas na produksyon din ang mga kapatid na babae;

4. Bata, aktibo, maganda ang pangangatawan at nagtatalaglay ng mag katangiang likas sa lahi nito;

5. Karaniwang ang 7 buwang gulang na tandang ay maaari nang gamitin sa pagpapalahi. Ang palong nito ay mapula at malaki na.

Ang mga uri ng inangkat na manok at nang sa gayon ay maitaas din ang produksyon nito ay ang "White Leghorn", "White Cornish", "New Hampshire" at maging ang "commercial broiler". Nagamit na rin ang "Black Orpington" At ang "Cantonese" sa pagpapalahi ng katutubong manok. Sa ginawang pag-aaral noong 1993-1995 ukol sa pinagbuting pamamaraan sa pag-aalaga ng native na manok sa ilalim ng niyugan, napatunayan na magandang gumamit ng tandang na "Black Australorp".

Pagpapalahi

Upang maitaas ang uri ngmga anak, ang mga inahing native na manok ay maaring palahian sa isang purong tandang tulad nga ng Black Australorp. Ang bilang ay 7-10 babae bawat isang tandang. Ang higit sa isang tandang ay magdudulot ng pagkakagulo at pag-aaway. Naagawan din ng p[agkain ang mga inahin na magagamit nila upang mangitlog ng marami.

Apat na buwan mula unang pangingitlog, palahian ang mga napiling inahinin. Pagsamahin ang mga napiling babaeng manok at napiling tandang. Magpalipas ng isang lingo upang sila ay masanay na magkasama. Inaasahang matapos ang panahong ito, mangingitlog na ang mga inahin ng "fertile eggs" o itlog na may semilya.

Paglilikom ng mga Itlog

Upang mahikayat na mangitlog nang marami, nililikom ang mga itlog araw-araw. Sa ganitong paraan din, maiiwasan na marumihan ang mga itlog sa pamamagitan ng mga paa, balahibo at ipot na naiiwan sa pugad at naiiwasan ang pagkabulok. Ang mga ito ay pinapunasan ng tuyong basahan o damit at iniipon sa isang malinis na lalagyan. Kung may refrigerator sa lugar, ang mga itlog ay isa-isang binabalot ng papel o lumang diyaryo at inilalagay sa vegetable compartment. Ang mga itlog na napili upang palimliman ay pinupunasanng mabuti ng tuyong basahan o hinahayaang nakalantad sa hangin upang matuyo, pagkatapos ay inilalagay sa pugad o incubator.

Pagpipili ng mga Palimlimang Itlog

Ang maingat na pagpili ng itlog na palilimliman ay napakanalaga dahilan sa isa itong bagay na magpapasya kung onong uri ng sisiw ang mapipisa. Kung maganda ang palilimliman itlog, maganda rin ang mga sisiw na mapipisa.

Panatilihing malinis ang pugad. Pagkaitlog na pagkaitlog, kunin at suriin kaagad ang mga itlog. Alisin ang mga itlog na may basag, kasing bilog ng bola, hindi pantay ang hipo ng balat at pareho ang hugis ng dalawang dulo. Palimliman lamang ang mga itlog na tama ang laki, walang basag at may tamang anyo.

Isulat ang petsa sa itlog upang malaman ang gulang nito saka itabi. Tiyaking hindi hihigit sa 12 araw ang itlog sa taguan.

Pagpapalimlim

Isa sa katangian ng katutubong manok, na nkapagpapababa ng produksyon ay ang likas nitong maglimlim. Ito ay ugali ng manok na yumupyop sa itlog hanggang ito ay mapisa. Isaayos ang paglimlim sa pamamagitan ng sumusunog:

1. Pumili ng inahin na handa nang lumimlim. Ito ay tumitigil sa sa pangingitlog.

2. Maglagay lamang ng 10-12 itlog sa isang pugad.

3. /ang dami ng itlog na pililimliman ay ayon sa laki ng inahin na lilimlim.

4. Kung magpapapisa nang maramihan, maaring gumamit ng artipisyal na papisaan o incubator.

Kung labis ang dami ng inahin na maaring lumimlim, alisin ang likas na paglimlim ng iba at nang sa gayon ay makabalik na sila sa pangingitlog kaagad.
Ang mga paraan:

1. Ikulong ang hiwalay ang inahin sa loob ng 5 araw sa lugar na maliwanag at mahangin. Huwag lalagyan ng pugad ang kulungan at lakihan ang puwang ng sahig upang maalis ang kagustuhan nitong umupo.

2 .Ilubog ang katawan ng inahin sa tubig sa loob ng 5 minuto bago ito alpasan sa pangkat ng mga manok. Lagyan din ng asin ang puwit ng manok matapos paliguan. Wala na ang paglimlim pagkatapos ng tatlong araw.

Pag-aalaga ng mga Sisiw

Ang pagkalinga sa bagong pisang sisiw ay napakahalaga. Ang pinakamaselang panahon sa kanilang buhay ay mula isang araw hanggang sa isang buwan. Ito ay yugto na marami ang namamatay. Kailangan ng mga sisiw ang pangangalaga ng inahin, upang maiiwas sila sa masamang panahon, maipagtanggol sa ibang hayop at makatulong sa paghahanap ng pagkain. Hindi rin lahat ng inahing manok ay mabuting mangalaga ng sisiw at upang mapadali ang muling pangingitlog ng inahin, mabuti na iwalay kaagad ang mga sisiw at ilipat sa brooder house.

Palakihan ng mga Sisiw (Brooder House)

Ito ay isang kulungan ng mga sisiw mula pagkapisa hanggang sa gulang na maaari na silang mabuhay nang walang dagdag na init. Dito pinangangalagaan ang mga sisiw laban sa ulan, malakas na hangin, pabago-bagong panahon at mag hayop na maaaring makapinsala sa kanila. Dito pinaparisan ng tao ang uri ng pangangalaga ng inahing manok sa kanyang mga sisiw.

Ang brooder house ay kailangang maluwang at at madaling l;inisin. Ito ay maaaring gawa sa kawayan, coco lumber, nipa, kogon, sawali, yantok at iba pang materyales na karaniwan sa lugar. Maari ring ito ay gawa sa kahoy, yero at chiken wire.

Ang brooder house ay katamtaman ang laki, isang metro ang kuwadrado (1 sq meter) bawat 35-36 na sisiw hanggang ang sisiw ay 3-4 na lingo ang gulang. Ito ay maaaring ilagay sa silong ng bahay o lugar na maginhawa para sa mga sisiw.

Kinakailangang may tamang init sa loob ng brooder house sa panahong hiwalay ang mga sisiw sa inahin. Maaaring gumamit ng mga sumusunod:

1. Ilawang gaas na may bakod (guard) na alambre pang huwag mapaso ang mga sisiw. Ilagay sa patungang matatag upang hindi ito matumba.
2. Ang isang bombilyang 25-watt ay sapat na para sa 30 bagong pisang sisiw.

Paghahanda ng Brooder House

Isang lingo bago lagyan ng mga sisiw, linisin ay ayusin ang brooder house. Lagyan ng kurtina o tabing ang kulungan upang hindi mapasok ng lamig at hangin. Isang araw bago ilagay ang mga sisiw, tiyakin na ang brooder house ay magkakaroon ng tamang init para sa mga sisiw. Latagan din ng papel o mga lumang pahayagan ang sahig ng kulungan upang makulong ang init. Ang mga papel na ito, na kadalasan ay 5 o higit pang pahinang magkapatong ay maaari ring patukaan ng mga sisiw hanggang sa ika-5 araw. Kung malaki ang brooder house, maglagay ng pinakabakod upang ang mga sisiw ay huwag mawala o maligaw at hindi matagpuan ang mainit na lugar. Tiyaking mayroong tubig at patuka na madaling matagpuan ng mga sisiw. Mabuti na makatuka at makainom kaagad sila pagkalipat sa brooder house.

Pagtantya ng Tamang Init sa Loob ng Brooder House

Ang pagtantya ng init sa loob ng brooder house ay sa pamamagitan ng sumusunod:

1. Tama ang init sa loob ng kulungan kung ang mga sisiw ay nakakalat;

2 .Labis ang init na nanggagaling sa loob kung hinahapo, ibinubuka ang tuka at mga pakpak ng mga sisiw at lumalayo sila sa pinagmumulan ng init.

3. Malamig sa loob ng kulungan kung ang mga sisiw ay nag-iingay at nagtitipon-tipon sa pinagmumulan ng init.

Kung tag-init, maaaring sa gabi na lamang mag-ilaw pagkalipas ng isang lingo. Kapag napuna na labis sa naiinitan ang mga sisiw, ilayo ang bombilya o kaya ay palitan ng higit na mababa ang bigay na init at kung ilawang gaas naman iklian ang mitsa nito. Maaari ring ibaba ang tabing na kurtina kung malamig ang panahon at itaas ito kung mainit.

Pagpapatuka ng mga Sisiw

Ang pinagpatung-patong na lumang diyaryo ay isinasapin sa kulungan 3 hanggang 5 araw. Dito inilalagay ang patuka. Tinatanggal ang ibabaw na papel araw-araw. Pagkaraan ng 3 hanggang 5 araw, alisin ang sapin at maglagay ng mababaw na patukaan tulad ng biniyak na kawayan, plastic, disenyong kahoy, yero o galbanisado.

Painuman para sa mga Sisiw

Maaaring painuman ang isang basyong lata na atinaob sa pinggan. Lagyan ito ng butas. Tiyakin na tama lamang ang laki at pagkakalagay ng butas para hindi mabasa ang mga sisiw. Maari ring gumamit ng palanggana na nilagyan ng maliit na bato o bakuran ng tinilad na kawayan. Madali itong linisin. Hindi rin umaasim ang tubig dito.

Pabahay para sa Palakihin at Inahin

Pagkaraan ng isan buwan, maaari nang alisin ang mga sisiw sa brooder house. Ang mga ito ay inililipat sa isang higit na malaking kulangan kung saan sapat ang luwang para sa kanilang paglaki. Pinaglalaanan din sila ng galaan o range or yard upang makahanap ng dagdag na pagkain.

Ang bahay manok na yari sa lokal na materyal tulad ng kawayan, kakawate, coco lumber, buli o palapa ng niyog ay maaaring gawing kulungan ng mga manok upang sila ay maayos na mabuhay, huwag mabasa ng ulan at magkaroon ng pahingahan kung saan may sagana at sariwang hangin at sikat ng araw. Ang mga lumang lambat ay maaari ring gamitin na kulangan at pambakod ng lugar galaan ng manok.

Para sa palakihin at inahin, maglaan ng 0.15 metro kuwadrado bawat manok sa kulungan at 0.20 metro kuwadrado bawat manok sa lupa.

Bago magsimulang mangitlog ang mga manok, maglagay ng pugad sa kulungan. Ito ay maaaring yari sa lokal materyal. Ang mga dahon ng kakawate o alagaw ay isinasapin sa mga pugad upang mapuksa o maiwasan ang mga kuto ay hanip ng manok. Maglagay din ng hapunan o roosts na kawayan, coco lumber o kakawate. Kailangan ang mga ito lalo na sa panahon ng tag-ulan.

Huwag pagsasamahin sa kulungan ang mga manok na iba't-iba ang edad upang maiwasan ang pagtutukaan.

Patukaan at Painuman

Ang magi to ay maaari ring tulad sa mga sisiw.

Patuka

Sisiw. Higit na mabuti kung bibigyan muna ang mga ito ng commercial starter feeds mukla pagkapisa hanggang sa gulang na husto na ang kanilang katawan at balahibo. Ang 15 gramo bawat sisiw ay inirerekomenda. Katumbas ito ng 1.5 kilo bawat 100 olo sa bawataraw. Ang putting anay na nakakaha sa paligid ay natuklasan din na mabuting patuka sa mga sisiw.

Sa gulang na 3-4 linggo, maaari nang unti-unting palitan ang ibibigay na patuka. Bawasan ang dami ng commercial feeds at dagdagan ang dami ng mga karaniwang patuka. Sanayin na rin ang mga manok na maghanap ng pagkain sa bakuran.

Palakihin, Nangingitlog at Inahin.

Maaaring magbigay ng karaniwang patuka tulad ng giniling na mais, darak palyat, binlid at tahup, tiring pagkain sa kusina tulad ng kanin, tinapay, sepal ng niyag, binatog at iba pa. maaari ring maghalo ng alinman sa sumusunod:

Rasyon 1 75% ng nasabing patuka + 25% commercial feeds
Rasyon 2 30% ipa + 30% niyog + 20% mais + 20% commercial feeds.

Ang dami ay 30-50
gramo/ulo/araw o 3-5 kilong
pinaghalong sangkap sa 100
ulo/araw. Para sa palakihain,
maaaring itaas ang dami ng
palyat o niyog.

Sa ginawang pag-aaral, maaari ring magpatuka ng 1 bahaging dinurog na golden kuhol: 1 bahaging ipa:1 bahaging niyog.

Kung nakakulong nga mga manok, ang sariwang damo ay binibigkis at isinasabit sa loob ng kulungan upang maging salad ng mga manok. Ibinibigay din ang mga dahon ng gulay at hinog na bungang-kahoy na itinatapon mula sa mga palengke. Maaari ring magtanin ng damo tulad ng mani-manian (Arachis pintoi). Kapag lumalabas ng kulungan, nasisiyahan ang mga manok na kumain ng damo at kulisap.

Pangangalaga sa Kalusugan ng Manok

Ang sumusunod ay gabay upang maiwasan ang pagkakasakit ng mga manok:

1. maglaan ng malinis, tuyo at maginhawang kulungan. Linising mabuti ang kulungan, patukaan, painuman at iba pang gamit bago maglagay ng panibagong pangkat ng manok.

2. patukain ang mga manok ng sapat at masustansyang.

3. pagkain upang maging matibay ang mga ito laban sa sakit.

Bakunahan ang mga manok laban sa peste o Avian Pest at bulutong.

Reproduced By:

DEPARTMENT OF AGRICULTURE
REGION IV-B
(

Ang pag- aalaga ng manok na broiler ay mainam na pagkakakitaan ng sinuman dahil ito'y madaling alagaan at maaring maipagbili agad sa loob ng 6 hanggang 7 linggo lamang.

Para sa mahusay na pamamaraan ng pag- aalaga ng manok na broiler, sundin ang mga wastong paraan ng mabuting lahi, pamamahala at pagpapakain, paggawa ng kulungan, at pangangalaga laban sa sakit, peste, at parasito na tinatalakay sa babasahing ito.

Ang Aalagaang Lahi

Bilihin ang sisiw sa establisado o may pangalan papisaan ( hatchery) o mapagkakatiwalaang tindahan.

1. Piliin ang malulusog, mabilis lumaki at masisiglang sisiw

2. Ang bawat sisiw ay dapat na tumimbang ng 33 gramo sa edad na isang araw.

Mga Rekomendadong lahi ng Broiler

Arbor Acres, Cobb Clor Sex Broiler Chicks, Goto White Rock broiler Chicks, Indian River Broiler Chicks, Lohman, Peterson, Piltch - Dekalb Broliler Chicks, and Starbro 15

Ang Kulungan

1. Piliin ang lugar na buhaghag ang lupa, medyo nakahilig at di tinitigilan ng tubig.

2. Mainam din ang lugar na mayroong punong makipagbibigay lilim sa kulungan lalo na sa tag- araw. Kailangang may lagusan ng sariwang hangin sa kulunagan upang hindi ito mag amoy umido.

3. Gumamit ng lokal at hindi mamahaling materyales sa paggawa ng kulungan katulad ng kawayan, nipa, buho, punong niyog at yantok.

4. Kailangang may wastong laki ang kulungan para sa dami ng aalagaang manok upang madaling masugpo ang sakit, peste, at parasito. Kapag masikip ang kulungan, magtutukaan ang mag sisiw, hindi makakakain ng husto ang mahihinang sisiw.

4.1 Kinakailangang luwang na dapat ipataan para sa bawa't sisiw:

a. Isang araw haggang 4 na linggong gulang na sisiw, 15 sentimetrong parisukat para sa bawa't sisiw.

b. Apat hanggang 7 linggong gulang, 20 sentimetrong parisukat sa bawat sisiw.

5. Pangalagaan ang mga manok laban sa labis na lamig at init. Gawaan ng pansamantalang kurtina (sako) bilang panangga sa malakas na hangin at matinding sikat ng araw.

6. Mga kagamitan sa Kulungan

6.1 Patukaan - Maglagay ng patukaan sa loob o harap ng kulungan ayon sa uri ng pabahay. Maaaring gumawa ng patukaan na tabla, yero, o kawayan na biyak pahaba. Dapat ito'y husto sa sukat at apat na pulgadang lalim upang hindi matapunan ng anumang pagkain na ilalagay.

6.2 Painuman - Mag- lagay ng sapat na dami ng painuman sa kulungan. Tiyaking hindi ito nakasayad o nakalapag sa lupa. Panatiliin itong malinis

7. Maglagay ng ilaw sa kulungan upang mapanatili ang angkop na temperatura para sa bawa't sisiw. Ikabit ito ng may 25 sentimetro ang taan mula sa sahig ng kulungan ay may isang metro ang lahi kada ilaw.

Dami ng sisiw Klaseng Ilaw Bilang ng Ilaw

25 25 watts na bombilya 1
50 50 wats na bombilya 1
100 50 watts na bombilya 3
100 lampara 3

Maaaring alisin ang ilaw pagkatapos ng apat ng linggo

Pagpapakain at Pamamahala ng Manok

Bigyan ng mahusay na pagkain ang mga sisiw ng mga protina, karbohaydreyts, bitamina at mineral. Sundin ang sumusunod na dami - angkop sa 25 na manok:

Edad ng Manok Klase ng Patuka Dami

Isang linggo Chicks Booster 1 tasa
Dalawang linggo Broiler Starter 3 tasa
Ikatlong linggo Broiler Starter 4.5 tasa
Ikaapat na linggo Broiler Starter 7 tasa
Ikalimang linggo Broiler Finisher 9 tasa
Ikaanim na linggo Broiler Finisher 10.5 tasa
Ikapitong na linggo Broiler Finisher 12 tasa


Maaring ipakain ng tuyo o basa nag patuka. Pakainin ng tatlo hanggang apat na beses sa isang araw ang mga manok.

Pagkontrol sa mga Parasito, Peste at Sakit

1. Gawin ang pagdidisimpekta ng kulungan at gamit sa tuwing matapos itong linisin. Kung may lumalaganap na peste o sakit, gawing madalas ang pagdidisimpekta.

1.a. Kung gagamit ng komersyal na pang -disimpekta, sundin ang tagubuilin sa etiketa.

1.b. Maari ding gumamit ng 3 porsiyento ng solusyon ng lihiya. Ihalo ang dalawang onsang lihiya sa 5 galong mainit na tubig. Isaboy sa kulungan at mga gamit upang mamatay ang mga mikrobyo.

2. Kuto sa Manok - puksain ang mga ito sa pamamagitan ng komersyal na "sodium floride". Maari itong ipulbos sa manok o kaya'y ihalo sa tubig at ipaligo sa mga manok.

3. Hanip sa mga Manok - Bombahin ng " carbolineum" o pinaghalong langis, krudo at gaas ang loob ng kulungan. Ilagay sa tubig ang tira at ipaligo sa mga manok.

4. Bulate sa Manok - purgahin ang mga manok. Gumamit ng komersyal na gamot katulad ng Latigo FS Powder, Latigo Tablet, Loxon Premix, Piperex Power, PPT Tablet, Ridol Powder, Robirox Concentrate Powder, at Uvilon. Sundin ang tagubilin sa etiketa.

Karaniwang Sakit ng Manok

1. Avian Pest - Sanhi ng malakas makahawang virus na ikinamamatay ng mga manok. Hanggang ngayon ay wala pang natutuklasang mabisang gamot na makapagpapagaling sa sakit na ito.

2. Pegion Fox - Malakas makahawang sakit na kalimitang dumadapo sa mga bata pang manok. Marami ang namamatay dito.

3. Coccidiosis - Sanhi ng mikrobyong makikita lamang sa mikroskopyo na matatagpuan sa bituka na nagiging dahilan ng pagkukurso ng manok na wala pang 2 buwan ang gulang.

4. Roup of Infectious coryza (sipon) - Sakit sa baga na malakas makahawa dala ng hangin o kuntamonadong pagkain o inumin. Ihiwalay kaagad ang mga may sakit at panatiliing malinis ang kulungan. Bigyan sila ng " broad spectrum antibiotics" at "sulfa preparation".

5. Fowl Cholera - malakas na makahawang sakit na pagkukurso. Bigla ang pagkamatay ng mga manok dahil wala itong palatandaan sa simula.

6.Avian Leuokosis - Sanhi ng virus at kalimitang dumadayo sa mga maitluging manok lalo na sa mag purong lahi o yaong mga galing sa ibang bansa. Namamaga ang mga lamang- loob ng manok.

7. Botulism o Limber Neck - Pagkalason ng mga manok dahil sa pagkain ng bulok na lamang ng patay na hayop, bulok na gulay, at pagkaing de-lata.

Talaan ng Pagbabakuna na Itinatagubilin ng Kawanihan ng Paghahayupan (BAI)

Avian Pest Vaccine
( Intranasal Drop Method) - Isang araw hanggang isang linggong gulang na sisiw.

Pegion Fox Vaccine - Isang buwang gulang

Roup Vaccine - Dalawang buwang gulang

Taong 1997 ng mag- eksperimento ang A.P Inocencio (Teresa Farms) na magparami ng malayang (free range) manok galing France. Nag - umpisa ito sa itlog na galing sa Sasso, France at sinunod ang kaugaliang sa pinaggalingan ng manok

Ang sasso chicken ay pinalaki sa natural na kapaligiran. Ang manok ay malayang gumagala pagkaraan ng 21 na araw ng pagkapisa- katulad din ng makalumang pag- aalaga natin ng ating katutubong manok. Meron silang malinis na kahoy silungan kung saan ang tinutuka nila ay mga damo at butil. Natural ang kanilang pagkain - walang pagkaing galing sa hayop at isda kaya hindi mahahawaan ng Salmonella atbp.

Mga Kapakinabangan ng Sasso

1. Ang lahing ito ay matibay

2. Hindi magastos alagaan

3. Mabubuhay ito sa mag damo at butil na makukuha sa kapaligiran.

4. Ang silungan ay mura at madaling magagawa.

5. Ang pagpapalaki ay tulad din ng katutubong manok - malayang pinapagala.

6. Ang sassong inahin ay magandang palahian sa piling katutubong tandang.

7. Pinakamaganda sa lahat, ang lahing ito ay malinamnam at malambot ang karne, na halos walang kolesterol at taba

Mga Lahi

X44 SUSSEX
T Master T 88
X44 T77

Pamamaraan ng Pag- aalaga


Factory - White Chicken


Traditonal Free Range
Tulin ng Paglaki



Patuka


Laki ng Poultry House

Density


Open air condition


Pagkatay Mabilis



walang standard format


walang standard format

15-25 manok per m2


wala


42 days mabagal ang pag- laki ng mga lahing pili para sa lasa at kalidad ng karne

minimum 75% butil; walang animal matter

400 m2 maximum

10 manok per m2
maximum 01 sq.ft/ manok

sa damuhang labasan 6 weeks minimum 1-2 m2/manok

minimum 60-70 days

A. Paggawa ng Kulungan at /Silungan
Bio security ay kailalngan. Dahil sa ang 1 - day old na sisiw madaling mahawaan ng bakterya, mahalagang linisin at idis-infect ang kulungan at lahat ng kagamitan.

B. Pag- aalaga ng Sisiw
Ang pangangalaga sa bagong pisang sisiw ay mahalaga dahil ito ay pinakamaselang yugto sa buhay ng sisiw.

Mahina pa ang mga ito at kinakailangan pa ang pangangalaga hindi lamang ng mga inahin kundi pati na ang mga poultry raisers. At tulad ng mga pamamaraan sa pag-aalaga ng katutubong manok, nangangailangan din ito ng kuluban at tamang init dahil sa wala pa halos itong balahibo na magbibigay init sa katawaan nito.

Ang tagumpay ng paglilinis o pagkukuluban ay magbibigay ng magandang resulta sa pagpaparami ng iyong manok.
Dapat pangalagaan ang mga sisiw sa sobarng init gayon din sa sobrang lamig ng panahon

Tamang Temperatura sa Paglilimlim

Heating by broiler Broiler Space Heating

Gulang (Araw)


0-3
3-7
7-14
14-21
21-28
28-35
35-42
42-49


T at the edge of
the brooder

38° C
35° C
32° C
29° C



T in the living area

> 28°C
28°C
28°C
28°C
22-28°C
20-22° C
18-23° C
17-21° C


T in the living area

31-33°C
31-32°C
29-31°C
28-29°C
22-28°C
21-22°C
18-21°C
Ang pagpapakain at pagpapainom ng sasso ay tulad din sa pag-aalaga ng katutubong manok

Sample Formulas para sa Sasso Broiler Feeds



Chick Booster


Broiler Grower
Yellow Corn
Soya Bean Meal
Corn Gluten Meal
Crude Coco Oil/ Molasses
Darak

Minerals
Limestone/
Tri Cal. Phosphate/Salt

Poultry Premix
Vitamin & Micro Minerals, Choline Methionine, Lysine, etc. 570.00
250
100
25
30

28.25



6.80 595.00
200
50
30
90

31.50



5.00

Mga Sakit at Herbal na Gamot

Ang paggamit ng natural at herbal na produkto para mahadlangan at makalunas sa sakit ay napapraktikal na solusyon na ginagawa sa kanayunan. Ito ay mura at madaling makukuha sa mag tabing bako:

1. Sili (Capsicum Frustescens)

- gamot sa "resperatory problem"
- pampagana lalo na sa "heart desease"
- gamot sa bulate "dewormer"

2. Oregano (Plectrannthus Amboinicus)

- gamot sa sipon
- hadlang at gamot sa "white diarrhea"
- gamot sa pulmonya (coccidiosis)

3. Paminta (Pepper Nigrum)

- gamot sa bulutong (fowl fox)

4. Sibuyas (Allium Festulosum)

- gamot laban sa bakterya (anti - bacterial)

5. Ipil- ipil (Lacaena Lucacefala)

- gamot sa bulate (dewormer)

6. Luya (Zinginber Officinale)

- laban sa bakterya

7. Damong Maria (Artemesia Vulgaria Livia)

- laban sa Malaria


Reproduced By:

DEPARTMENT OF AGRICULTURE
REGION IV-BMAG-ALAGA NG KAMBING


Ang kambing ay isang hayop na matalino at mapagkukunang pa ng mabubuting uri ng gatas at karne. Kahit mga ginang ng tahanan at mga bata ay makapag-aalaga ng kambing dahil sa maliit lamang at maamo ang hayop na ito.

Ang matagumpay na pag-aalaga ng kambing ay naaayon sa hilig ng tao sa pag-aalaga ng hayop, pagpili ng mahusay na lahi at mabuting pangangalaga.
Sa kasalukuyan ay maliit pa ang populasyon ng kambing sa ating bansa at hindi sapat sa ating pangangailangan. Ang 90 % na ito ay alaga ng maliit na magsasaka.

MGA KABUTIHAN SA PAG-AALAGA NG KAMBING

1.Maliit lamang ang magiging puhunan dahil hindi ito nangangailangan ng malaki at mamahaling gamit sa kulungan.

2.Matibay ang katawan at mabubuhay sila sa mga halaman o pagkain na hindi gusto ng ibang hayop.

3.Kung mapangangalagaang mabuti ang mga kambing, mabilis silang dumami. Ang isang siyam na buwang gulang na inahing kambing ay maaari nang magsimulang manganak at pagsapit nito sa gulang na 14 na buwan ay mayroon na itong dalawang guya. Sa loob ng tatlong taon ay makapag-aaanak ito ng anim hanggang walo.

4.Mapagkukuna ng mabuting uri at madaling matunaw na gatas ang inahing kambing.

5.Ang mga barakong kambing na hindi gagawing palahian ay maaaring katayin upang makain o maipagbili ang karne nito.

6.Maipagbibili ang mga balat nito para sa karagdagang kita at ang dumi nito ay mahusay na pataba.

IBA'T IBANG LAHI NG KAMBING

1. Native o Katutubong Lahi - maliit ito at tumitimbang lamang ng 20 - 30 kilo at nakapagbibigay ng 66 na kilong gatas sa loob ng 187 araw simula sa pagkakaroon nito ng gatas.

2. Anglo-Nubian - malaki ang bulto ng dayuhang lahi na ito at tumitimbang ng 120 kilo. Bilog at tuwid ang tuhod, kulay kayumanggi o kaya'y itim o batik-batik. Sa mga lahing galing sa ibang bansa, ito ang hiyang na hiyang dito sa Pilipinas. Nakapagbibigay ito ng 2 - 3 litrong gatas araw-araw.

3. Saanane- ito'y dayuhang lahi na hiyang rin dito sa Pilipinas. Ang karaniwang kulay nito ay puti o krema at walang balbas. Ang husto sa guloang na inahin ay timitimbang ng 50-60 kilo at ang barako ay 65- 100 kilo. Ang ionahin nito ay nakapagbibigay ng gatas sa pinakamahabang panahon at makakakuha sa bawat inahin ng 3 litrong gatas araw-araw. Ang babae ng lahing ito ay tinaguriang "Reyna ng Gatasang Kambing"

4. Toggenburg' - Matipuno ang pangangatawan, mahaba ang buhay at mahusay manginain ang lahing ito. May guhit itong puti sa mukha ng tainga at may puting marka sa binti at hita. Nakapagbibigay ito ng apat na litrong gatas isang araw.

5. Indian Lumna Pari' - Matipuno ang pangangatawan nito at hiyang sa maiinit na klima ng Pilipinas. Mayroong kulay puti nito at mayoong itim. Dalawang litrong gatas ang produksiyon nito sa isang araw.

PAGPAPALAHI NG KAMBING

Makapagsisimula kayong mag-alaga muna ng isang pares na kambing na katutubong lahi o mestisong lahi. Ayaw ng kambing na mas-isa, kaya kailanga'y isang palaanak, malaki, malusog, aktibo at agresibo.

Maging maingat rin sa sa pagpili ng inahin. Piliin yaong maamo, mabait sa anak at malusog, may malalaki at pantay na mga ssuso at katamtamang laki ng utong. Piliin ang inahing kambing na may malaking pangangatwan, maluwang ang pagkapormang pabaluktot ng mga buto sa tadyang para sa magandang pagbubuntis. Kailangan rin tingnan kung tuwid at malakas ang mga paa upang makatakbo ng matatag sa pastulan.

PAGGAWA NG KULUNGAN AT PANGANGALAGA SA MGA KAMBING

Sa pagpaplano ng kulungan ng gatasang kambing, isaalang-alang ang kalusugan at mabuting kalagayan ng mga ito. Bawat kambing ay dapat magkaroon ng sariling bahagi sa kulungan. Maaaring pagsamahin sa isang kulungan ang magkapatid na babaing kambing o ang dalawang magkasinlaking kambing na magkasabay lumaki.

Huwag isama sa kulungan ang mga bagong biling kambing sa pagkat mag-aaway ang mga ito at mahihirapan ang tagapag-alaga.

Sakaling hindi makayang bigyan ng sariling lugar ang bawa't kambing ay kailangang pagsama-samahin ang mga gatasang kambing sa isang kulungan, tiyaking mayroong sapat na puwang na kailangan ng bawat isa.

Upang maging maginhawa ang paglilinis ng kulungan, kailangang may siwang ang sahig at sementado ang silong. Lagyan ng dingding ang paligid ng kulungan nang may 40 cm taas upang hindi mahamugan ang mga kambing. Upang pasukin ng hangin ang kulungan, gumawa ng mga butas sa paligid nito nang may walong sentimetrong taas mula sa sahig.

PAGPAPAKAIN

Upang mabawasan ang gastos sa pagkain at pamamahal, maaaring isuga nang madalas sa pastulan ang mga alagang kambing. Ang mga palahiang kambing gayundin ang mga pinalalaki at pinatatabang guya ay maaaring mabuhay sa pastulan. Magiging mabilis pa ang kanilang paglaki lalo na kung mayroon iba't ibang uri ng pananim na makakain sa pastulan.

Kung tag-ulan, ikulong ang mga kambing upang hindi mahamugan. Tiyaking malinis ang sahig ng kulungan. Kung mahalumigmig ang panahon at malamig na may kasamang malakas na hangin, bigyan ang mga kambing ng darak upang mapanatili silang malusog. Ipanguha rin sila ng sariwang damo at dayami at dalhin sa kulungan. Kailangan pa rin ng mga kambing ang maraming malinis na inumin at asin sa magkabukod na lalagyan.

Para sa mga gatasang kambing, pinakamahalaga ang mabigyan sila ng wastong uri at dami ng pagkain. Upang mapasagana ang gatas, tiyaking ang kanilang pagkain ay nagtataglay ng 10 % protina at 1 % mineral.

Ang mahusay na pagkain ay dapat may kasamang konsentreyt. Sa bawat kilo ng gatas na maibibigay ng inahin, kakailanganin nito ang isang kilong konsentreyt. Dagdagan pa ito ng pagkaing mayaman sa mineral. Isuga ang gatasang kambing sa pastulan upang makakain ng iba't ibang uri ng damo at maragdagan ang produksiyon ng gatas. Bigyan rin sila ng damo kung gabi at kapag masama ang panahon at hindi sila makalabas sa kulunga.

PANGANGALAGA SA BARAKONG KAMBING

Bigyan ng tanging atensiyon ang pagpapakain sa mga barako dahil mahalaga sila sa pagpapalaki at dahil sa kanilang gawain ay nababawasan ang kanilang lakas.

Bukod sa mga halamang pagkain, bigyan pa sila ng giniling na mais at mga pagkaing mayaman sa protina tulad ng ginayat na niyog, munggo at darak.

Huwag bubusuging mabuti ang barako sa minsang kainan lamang. Kinakailanga'y unti-unting pagpapakain nguni't madalas. Tulad ng ibang palahian, ang barakong kambing ay nagiging pihhikan sa panahon ng kanilang pagseserbisyo.

PANGANGALAGA SA INAHING KAMBING

Sa Pilipinas, gaya ng iba't ibang tropikong bansa ay walang takdang panahon ang paglilihi ng kambing. Pagsapit sa gulang na isang taon, ang babaing kambing ay maaari nang simulan ang pagpapalahi.Huwag silang palalahian nang wala pa sa gulang na isang taon sapagkat magiging bansot at mahina ang kanilang mga anak.

Ang inahing kambing na malapit nang manganak ay kailangang mailagay sa tuyong lugar na may 1 x1/2 metrong luwang.Kinakailangang maging mabait at mapagmahal sa alagang kambing ang tagapag-alaga nila lalo na sa oras ng panganganak nito.

Kalimita'y nakapanganganak nang mag-isa ang inahing kambing sa loob lamang ng isang oras pagkaputok ng inunan. Subali't kapag nakalipas na ang isa at kalahating oras at hindi pa napaanak ang inahin, lagyan ng sapin ang hulihang bahagi ng katawan nito upang mapaanak nang madali. Ang mga inahing kambing sa malawak na pastulan ay makapanganganak nang kahit walang taong nakabantay. Narito ang ilang payo na dapat kaagad isagawa pagkapanganak ng inahin gayun din sa pag-aalaga ng mga bagong panganak na guya.

1. Kapag wala nang tumutulong dugo sa pusod ng guya, talian ito ng pisi sa 2 lugar na 10 cm ang pagitan. Pagkatali, putulin ng pisi ang pusod sa gitna ng magkabilang tali at saka ito gamutin ng tintura de yodo.

2. Pagkaraan ng anim na oras pagkapanganak ng inahin at hindi pa lumalabas ang inunan, kailangang tumawag ng beterinaryo.

3. Hayaan munang kasama ng inahin ang mga bagong silang na guya sa loob ng limang araw. Pagkatapos, maaari nang ihiwalay ang guya sa inahin kung ito'y gagawing gatasan.

4. Kung sakaling mamatay ang inahin at nawalan ng kolostrum (unang gatas ng ina) ang mga bagong silang na guya, bigyan sila ng tigisang kutsaritang mantika o ng gatas na may kasamang puti ng sariwang itlog.

5. Hangga't maaari, huwag magpapalit ng tagapag-alaga dahil ang mga kambing ay madaling magulat at mabulabog.

6. Tiiakin laging tuyo ang lahat ng bahagi ng kulungan ng kambing. Kahit na tuyo ang ibabaw ng kulungan, subali't babad na babad sa tubig ang ilalim nito, magkakasakit rin ang mga kambing.

7. Putulin ang mga sungay at lambi ng mga kambing sapagkat hindi naman ito mahalaga sa kanila.

Habang lumalaki ang mga guya, mayroong iba't ibang programa ng pagpapakain. Ang mahalaga'y makuha ng mga guya ang unang kolostrum, maaari na silang bigyan ng gatas ng baka. Initin ito ng 40° C at saka ilagay sa malinis na bote o lata. Kailangan itong maibigay sa mga guya nang 3 - beses sa isang araw hanggang umabot sila sa gulang na tatlong linggo. Kinakailangan din silang mabigyan ng silage, tubig asin upang matustusan ng kinakailngang mineral ang kanilang katawan. Pagsapit ng ikatlo - ikaapat na buwan, dagdagan ang gatas ng baka ng suplementong "calf starter ration" sa daming ½ kilo bawat araw.

Pagkaraan ng apat na buwan o sa sandaling kumain na ang mga guya ng damo at dayami, ihinto na ang pagbibigay ng gatas ng baka. Bigyan rin sila hanggang gusto ng kumpay. Ang mga guya ay nangangailangan rin ng ehersiyo. Sa loob ng dalawang lingo pagkapanganak ay maaari na silang magtakbuhan sa paligid ng kulungan.

PAGSASANAY NG GATASANG INAHIN

Ang inahin kung bago pa lamang gagawing gatasan ay dapat sanayin. Kung oras na siyang gatasan, akayin ito upang tumayo para gatasan. Pagsama-samahin sa isang lugar o bahay ang mga gatasang inahin.

Ang gatasang inahin ay nawawalan ng gatas 6 - 8 linggo bago ito manganak. Karaniwang ang gatas ay nawawalang natural ngunit kung ang inahin ay patuloy na nagkakaroon ng gatas, pigilin iyon sa pamamagitan ng di regular na paggatas halimbawa isang beses sa dalawang araw hanggang sa mawala ang gatas. Laging subaybayan ang inahin ng sa gayon ay hindi ito mahirapan sa pananakit ng suso.

Sa pag-aalaga, hindi lamang makapagparami kundi kailangan ding mapaunlad ang lahi. Halimbawa, maaari nang ipakita ang "native breed" sa purong lahing barako.

Ang tatlo o apat na buwang kambing ay itinuturing na husto ang gulang para mapalaki ngunit hindi naman ang maagang pagpapalaki. Mas mainam kung maghihintay ng 10-12 buwan dahil ang mga ito ay matibay na. Sa barako, di rin mainam kung babayaran na magsilbi ito ng lampas sa 20 babae kung wala pang isang taon ang gulang. Sa tuwing ikalawang taon, dapat ay magpalit ng barako.

Ang ikot ng panahon ng paglalandi, ang kambing ay tumatagal ng 18-20 araw at sa karaniwan ay 21 araw. Ang init ay tumatagal ng 2-4 na araw at dumarating kapag malapit nang tumigil ang panahon ng kainitan nito. Ang pinakamahusay na panahon ng pagpapalahi ay kinaugaliang kalahating araw pagkaraan mag-umpisa ang panahon ng paglalandi nito.

Maglaan kayo ng kuwadernong talaan para sa inyong mga alagang kambing. Makabubuti ang ganito sa mga may kambingan sapagkat dito malalaman ang sumusunod:

1. Alin sa mga inahin ang mabuting gatasan.

2. Alin sa mga kambing ang mahusay na karne.

3. Alin sa mga inahing kambing ang maraming mag-anak.

Sa pamamagitan ng ganitong mahusay na pamamahala at pangangalaga, ang mga guyang ito ay lalaking malulusog at kapakipakinabang. Dadami ang malulusog na kambing na ito hanggang magkaroon kayo ng isang malaking kawan ng kambing.

Reproduced by:

DEPARTMENT OF AGRICULTURE
REGION IV-MiMaRoPa
(MiMaRoPa)

No comments:

Post a Comment